Patient Education
Patient Handouts | Parent's Guides | Activity Sheets | Crest Consumer Site | History of Crest | Dental Health Month 2011
title, TMJ Diseases and Disorders

   
   
   

ANO ANG MGA TMJ NA SAKIT AT KARAMDAMAN?
Ang mga TMJ na sakit at karamdaman ay isang grupo ng mga kondisyong nagdudulot ng sakit sa loob at palibot ng panga (tinatawag na Temproromandibular Joint o TMJ) at ang mga katabing kalamnan nito. Ang mga problema sa panga ay nakaka-epekto sa abilidad ng isang tao na magsalita,kumain, ngumuya, lumunok, at kahit na huminga.
temporomandibular joint o TMJ
ANO ANG MGA SINTOMAS NG TMJ NA SAKIT AT KARAMDAMAN?
Ang pagkirot ang pinakapangkaraniwang sintomas, gayunman, ang ilang tao ay walang nararamdaman na kirot ngunit mayroon pa ring mga problema sa paggamit ng kanilang panga.
    Kasama sa mga sintomas ay ang mga sumusunod:
  • Kirot/Sakit sa mukha
  • Pagkirot ng panga at sa katabing lugar, kasama na ang tainga
  • Hindi kayang buksan ng komportable ang bibig
  • Paglagutok,pagputok o paggaralgal na mga tunog sa panga
  • Ang paninigas ng panga habang sinusubukang ibukas ang bibig
  • Mga sakit ng ulo
  • Ang pagkagatan ng hindi komportable o pakiramdam na “hindi tama”
  • Pagsakit ng leeg, balikat at likod
Ang iba pang mga sintomas ay ang mga sumusunod: Pagkarinig ng tunog, sakit ng tainga, hirap sa pandinig, pagkahilo, at mga problema sa paningin

Alalahanin na ang paminsan-minsang pagkabalisa dulot ng panga o mga kalamnan sa pag-nguya ay karaniwan at hindi dapat ibahala. Maraming tao na may TMJ na problema ay gumagaling ng hindi ginagamot. Kadalasan ay nawawala ang problema ng kusa pagkalipas ng ilang mga linggo o buwan.

ANO ANG MGA SANHI NG TMJ NA SAKIT AT KARAMDAMAN?
Hindi kilala ang lahat ng mga sanhi. Ang ilang posibileng sanhi ay pinsala sa bahaging panga, iba’t ibang uri ng artritis, ilang mga pamamaraan para sa ngipin, pag-inat ng panga mangyari nang pagpasok ng tubo para sa paghinga bago ang isang operasyon, at pagkuyom o paggiling ng mga ngipin.

PAANO GINAGAMOT ANG MGA TMJ NA SAKIT AT KARAMDAMAN?

Mga Pagpapanumbalik na Paggamot
Ayon sa National Institue of Dental and Craniofacial Research ng National Institutes of Health, ang mga paggamot sa TMJ ay dapat pagpapanumbalik sa normal kung kailan kinakailangan. Ang ibig sabihin nito ay ang mga paggamot ay hindi dapat magdulot ng permanenteng pagbabago sa panga o mga ngipin.

Mga halimbawa ng pagpapanumbalik na paggamot ay ang mga sumusunod:
  • Mga gamot para sa kirot na mabibili ng wala reseta
  • Mga resetang gamot
  • Mga ehersisyong magaan na pag-inat at pagpahinga ng panga
  • Kagamitan para sa pagpapapanatag (biteplate, nightguard)

Mga Hindi Pagpapanumbalik na Paggamot
Ayon sa National Institue of Dental and Craniofacial Research nf National Institutes of Health, ang mga hindi pagpapanumbalik na paggamot sa TMJ ay hindi epektibo at maaaring palalain ang problema.

Mga halimbawa ng hindi nababaligtad na paggamot ay ang mga sumsunod:
  • Pag-aayos ng kagat sa pamamagitan ng paggiling ng mga ngipin
  • Ekstensibong pag-ayos ng ngipin
  • Mga kagamitan na nagpapabalik ng ayos ng mandibular
  • Orthodontics
  • Mga operasyon kasama na ang pagpalit ng lahat o ilang parte ng panga

ANG MGA PAGGAMOT BA NG MGA TMJ NA SAKIT AT KARAMDAMAN AY SAKOP NG SEGURO?
Maraming mga plano ng seguro na medikal at para sa ngipin ay hindi binabayaran ang paggamot sa panga o mga karamdaman sa kalamnan, o binabayaran lamang ang ilang mga pamamaraan. Makipag-ugnayan sa inyong kumpanya ng seguro upang malaman kung aling mga paggamot ang sakop.

MGA PAGSUSURI PARA SA HINAHARAP
Higit na marami pang mga pananaliksik ang kinakailangan. Maraming mga siyentipiko ang hindi nakakaintindi ng lubusan kung ano ang sanhi ng karamihan ng mga problema ng TMJ, kung paano ito mapapansin, kung paano ito gamutin ng tama, at kung paano ito iwasan na mangyari.

Sa mga nakaraang mga taon, ang TMJ Association, isang organisasyon na nagtatanggol sa mga pambansang pasyente, ay kasamang tumangkilik para sa tatlong pandaigdigan na mga siyentipikong pagtatagpo kasama ang National Institutes of Health upang ipahayag ang mga pagkabahala. Ang mga detalye tungkol sa mga pagtatagpo at mga ekstensibong impormasyon tungkol sa mga TMJ na sakit at karamdaman ay matatagpuan sa website ng TMJ Association,www.tmj.org.
mga imahen na nagpapatungo sa TMJ Association




Terms and Conditions  |  P&G Privacy Statement
We adhere to the Better Business Bureau's Privacy Standards © 1996-2009 The Procter & Gamble Company, Cincinnati, Ohio, USA All rights reserved